John Lloyd Cruz at Maine Mendoza, magtatambal sa isang GMA Drama Series?

 Isang malaking balita ngayon sa mundo ng showbiz ang napapabalitang pagtatambal nina Award Winning Actor na si John Lloyd Cruz at Phenomenal Star Maine Mendoza. 



Hindi pa pinal kung ano ang pagsasamahan nilang GMA Series. Pero ang chika, heavy drama raw ito na forte ng aktor na si JL. Kung magka ganon nga ay isang malaking hamon ito sa komedyante na si Menggay. Dahil mapapasabak ito sa mga mabibigat na scenes. 




Hindi na bago kay Maine ang mga drama genre dahil nasubukan na niya ito sa kanyang Lenten EB Special noon na “Love is…” kung saan may malubhang sakit ang kanyang karakter. 

Maging sa Isa Pa with Feelings na pelikula nila ni Carlo Aquino ay may touch din ng drama.  

Sino ba naman ang nakakalimot sa Destined to be Yours na pinagsamahan nila ni Pambansang Bae Alden Richards. Na puno rin ng iyakan at mabibigat na eksena. 

Kung matutupad man ang usap-usapan na pagtatambalin sila. Malaking experiment ito na papatok sa masa dahil bihira ba pagsamahin ang isang Maine Mendoza at usang John Lloyd Cruz. 

Samantala narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens. 

“Wow new loveteam maganda yan nice idea love you both”

“Laging c Maine ang gus2 Nila kc cguro Alam Nila walang pagkalaos c Maine, hndi nagsasawa MGa nagmmhal s kanya at this bukod tanging c Maine Ing ang I demand khit pandemic hndi nwawalan NG projects.”

John Lloyd Cruz at Maine Mendoza, magtatambal sa isang GMA Drama Series? John Lloyd Cruz at Maine Mendoza, magtatambal sa isang GMA Drama Series? Reviewed by Jaquin Reyes on January 21, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD