Vanessa Raval, hindi umano totoong anak ni Jeric Raval?

 Umani ng samu't saring reaksyon ang naging panayam ng sikat na vlogger na si Ogie Diaz. Ito'y matapos nyang tanungin si Jeric Raval kung may kaugnayan nga ba siya sa isa pang Raval na pinag-uusapan ngayon na si Vanessa Raval.



Matapang na sinagot ng Action Star ang mapang intrigang katanungan. 

"Anak mo ba si Vanessa Raval? Sa 18 na anak mo parang hindi mo nabanggit ang pangalang Vanessa?" Tanong ni Ogie.

Tugon naman ni Jeric, "Hindi ko siya anak. Si Vanessa ay anak ng pinsang buo ko, na nakikitatay lang sa akin."

"Hindi ko itatanggi yan, yung labing walong anak ko nga hindi ko itinaggi yan pa kaya. Ewan ko batang yan bat ganyan mga naglalabasang balita sa kanya." pagdidiin pa nito.

Nilinaw din ng action star na hindi siya gumagamit ng social media at nagugulat nalang siya sa mga nababalitaan nya.

Samantala, maging si AJ Raval senegundahan din ito at nagpost tungkol kay Vanessa Raval. Nilinaw niya sa kanyang fb post na hindi sila magkapatid ni Vanessa Raval at hindi sila close.




Vanessa Raval, hindi umano totoong anak ni Jeric Raval? Vanessa Raval, hindi umano totoong anak ni Jeric Raval? Reviewed by Jaquin Reyes on August 04, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD