80 anyos na Lolo, Kinulong dahil nagnakaw daw ng mangga?

Mag-iisang linggo nang nasa kustodiya ng Asingan PNP ang 80-anyos na si Narding Floro. Inaresto si lolo Narding dahil sa pagnanakaw umano ng 10 kilo ng mangga sa Asingan, Pangasinan.



"Pinapitas ko 'yung isang puno ng mangga, wala pang sampung kilo. Ang alam ko, sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman 'yun," paliwanag ni lolo Narding.




Hiniling ni lolo Narding na makipagkasundo pero sa halip ay sinabihan siyang bayaran ang P6,000 piyansa.



"Ang gusto ko sana makipagsundo. Maliit lang naman kasi na bagay. Noong ibibigay ko 'yung bayad ayaw nilang tanggapin. Ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo," aniya.


📷: PIO Asingan (Facebook)

80 anyos na Lolo, Kinulong dahil nagnakaw daw ng mangga? 80 anyos na Lolo, Kinulong dahil nagnakaw daw ng mangga? Reviewed by Jaquin Reyes on January 19, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD