Alden Richards, inaya si Vice Ganda na gumawa..”

Sa isang video collaboration na ginawa nina Unkabogable Vice Ganda at Celebrity Skin Care Doktor na si Dr. Vicky Belo. Isa sa mga napag usapan sa kanilang naturang video ay si Pambansang Bae Alden Richards. 



Nag flash kase sa screen ang cideot ni Alden Richards at tinanong si Vice Ganda kung gusto ba nito na gumawa ng pelikula kasama siya. 

Isiniwalat pa ni Vice na tuwing nakikita raw niya ang binatang aktor ay nagpapa picture pa raw ito sa kanya. Inilarawan pa niya na napakabait na tao ni Tisoy at mabango umano. 




Tanong ni Tisoy, “Would it be possible na gumawa ng movie kasama ko?”

Natuwa naman si Vice Ganda ng marinig ang katanungan ni Alden Richards. 

“Jusko! Tinatanong pa ba yan? Syempre! gustong-gusto ko no. Gustong-gusto kong makagawa ng pelikula kasama ka. And even Maine Mendoza. Gusto ko kayo makasama sa isang proyekto.”

“Bukod sa dream ko yun, dream din yun ng maraming tao na makita tayo magkakasama.”  Sana talaga makagawa tayo ng pelikula Alden, super love ko yun.”


Alden Richards, inaya si Vice Ganda na gumawa..” Alden Richards, inaya si Vice Ganda na gumawa..” Reviewed by Jaquin Reyes on January 27, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD