Enchong Dee, sumuko na sa NBI Cybercrime Group dahil sa 1B Cyber Libel Case.
Isang malungkot na balita ang umabot sa mga Kapamilya Netizens matapos lumabas na warrant of arrest sa kasong 1B Cyber Libel Case na isinampa laban sa kanya ng isang mambabatas.
Nagsimula ang lahat ng mag tweet ang binatang aktor tungkol sa magarbong pagoapakasal ng isang mambabatas na nirerepresenta ang mga tsuper sa kongreso.
Ang nasabing mambabatas ay si Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER) na si Claudine Bautista-Lim.
Malisyoso umano ang tweet ni Enchong at parang pinalalabas na ang ginastos ng kongresista sa kanyang engrandeng kasal ay tila galing sa pondo ng gobyerno.
Kaya naman hindi na nagpa tumpik-tumpik pa ang mambabatas at nagsampa na nang kaso laban sa mga nanirang puri sa kanya. Ilan sa mga nadawit ay sina Ogie Diaz at Pokwang ngunit kalaunan ay binasura ng korte ang mga kaso laban sa kanila at kay Enchong Dee lamang ang umusad sa Husgado.
Ayon sa ulat kusang sumuko si Enchong Dee sa National Bureau of Investigation (NBI) at naghain ng pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Personal na nagtungo ang aktor sa opisina ng NBI matapos mabigo ang ahensya na i-serve ang Warrant kahapon, January 31, sa Quezon City.
Samantala awa naman ang naramdaman ng ilang mga netizens sa nangyaring ito kay Dee.
Ngunit may mga iilan din na sinisisi siya kung bakit nangyari ito sa kanya.
Post a Comment