Isang makasaysayang taon ito para kay Gloria Romero na isang ng icon sa industrya. Siya lang naman kase ang itinanghal na "Gabay ng Industriya Award of Film Development Council of the Philippines"
Ayon kay Romero, 'Maraming salamat, at hangga ngayon ay naalala niyo pa rin ako. Salamat sa pagpapahalaga niyo sa akin.'
Tugon niya ito sa mga patuloy na nirerecognize pa din siya sa kabila na ng makabagong panahon ngayon at matanda n siya.
Noong nakaraang taon pa huling nakitang humarap sa kamera ang beteranang aktres sa palabas ng GMA na "Daig Kayo ng Lola ko"
Dahil sa pandemic kung kaya't na antala ang mga shooting ng nasabing palabas. Lalo na't nakasaad sa mandato ng IATF na bawal pang lumabas ang mga mtatanda.
Si Gloria Romero ay ipinanganak sa pangalang Gloria Borrego Galla noong ika-16 ng Disyembre ng taong 1993 sa Denver, Colorado, USA. Anak ni Pedro Galla, na isang Filipino, at ang kanyang asawa na si Mary Borrego na isang Amerikana.
Apat sila sa pamilya at dalawa lamang silang magkapatid, ang isa niyang kapatid ay lalaki na nagngangalang Tito Galla. Nag-aral si Gloria sa Mabini Elementary School at nag tapos siya sa Riverview Highschool sa Mabini, Pangasinan.
Si Gloria Romero ay isang Filipinang aktres na kadalasang lumalabas sa mga pelikula at telebisyon, halos animnaput-dalawang taon na siyang nasa industriya. Sa tulong ng kanyang tiyuhin na si Nario Rosales, ang chief editor ng sampaguita studios naging mas madali para kay Gloria Romero ang pagbisita at pag nood sa mga pelikula at ito din ang nagsilbing daan ng dahang dahang pagsikat ni Romero.
Si Gloria Romero ay nagsimula muna bilang isang ekstra sa Sampaguita Pictures bago siya napansin sa pelikulang Kasintahan Sa Pangarap na ipinalabas noong taong 1951. Sa taong iyon unti-unti ng nagsunodsunod ang kanyang mga ginampanang karakter. At sa wakas, sa kanyang ikalimang pelikula, Ramon Segla (na makikita sila Lilian Leonardo at Pancho Magalona), nagkaroon siya ng bahagi doon at gumanap siya bilang isang nars. Gumanap din siya bilang anak na babae ni Ramirez at Vergel sa Madame X na ipinalabas noong taong 1952.
Ang mga producers ng pelikula ay binigyan at ipinakilala si Miss Gloria Galla ng isang bagong pangalan: "Gloria Romero". Ang kilalang pangalan sa industriya ng pelikula sa panahon noon at maging sa ngayon. Si Gloria Romero ay maraming ginamapanan na karakter at kasabayan din noon ay marami din siyang naging katambalan. Isa na dito si Ramon Revilla sa pelikulang Apat na Taga na ipinalabas noong 1953. Naging katambalan din niya si Fred Montilla sa pelikulang Recuerdo noong taong 1953.
Si Pancho Magalona sa pelikulang Musikong Bumbong noong taong 1954. At si Doplhy sa Dalagang Ilocana noong 1954. Ang Dalagang Ilocana ay isang romantiko at komedyang pelikula na nilikha ng Sampaguita Pictures. Dahil sa pelikulang ito, nakatanggap at napanalunan niya and Pilipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) bilang ang pinakamahusay na aktres. Madaming pelikula na nagawa si Gloria Romero, halos hindi na mabilang sa kamay. Dahil dito, marami din siyang nakamit at napanalunang mga parangal.
Post a Comment