Maine Mendoza, Proud sa mga achievements ni Alden Richards.

 Hindi na nga napigilan ni Phenomenal Star Maine Mendoza na maging proud sa mga achievements na natatamo ngayon ng kanyang better half na si Alden Richards. 



Sa segment na Pinoy Henyo ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga ay personal na binati ni Menggay ang kapareha nito sa Tambalang AlDub. 

Ani Maine, "Oy! Congratulations ahh."

"Saan?" tanong ni Tisoy.

"Sa lahat ng nangyayari sa life mo, sa birthday mo tyaka dun sa birthday mo." tugon naman ni Meng.

Samantala, pa humble effect naman si Tisoy ng sabihin ito ni Menggay at sinabing "Walang ganon, imbento ka. Haha"

Ipinagdiinan naman ni Maine ang salitang "Best Actor"

Ayon kay Maine isang karangalan na makasama at makatrabaho niya si Alden Richards.

Panoorin ang kabuuang video:




Maine Mendoza, Proud sa mga achievements ni Alden Richards. Maine Mendoza, Proud sa mga achievements ni Alden Richards. Reviewed by Jaquin Reyes on January 15, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD