Arjo Atayde, Positibong umalis ng Baguio City?
Nababatikos ngayon ang public personality na si Arjo Atayde dahil sa kinumpirmang balita ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagpositibo umano ang aktor at siyam pang kasama sa Covid-19.
Sa ulat ng Regional New Group -RNG LUZON.
Na nasa Baguio City ang grupo ni Atayde para sa isang Lock in Taping.
“They committed to us na magkakaroon sila ng bubble, pero hindi nangyari. Nagkataon pala na may mga tao sila na umuwi at pagbalik ay hindi nag ti-triage.”
“Tapos yung monthly testing nila, hindi nila nagawa.”
Kalaunan sinabi ni Mayor Magalong na, sa 100 kabuuan umano nilang magkakasama ay 10 doon ay nagpositibo sa nakamamatay na sakit na covid19.
At ang malala pa umano ay nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsya ang mga nasabing tao sa grupong ito.
Hindi na rin umano hinintay nina Atayde ang kanyang RT-PCR Test at umuwi na ito. Nangangamba ang Alkalde na maaring nakapang hawa na ang aktor sa pag alis na walang paalam na ito.
Samantala patuloy na hinihingan ng komento ang panig ng akror ngunit hanggang sa ngayon ay wala padin silang komento rito.
Post a Comment