Nas Daily, Dapat singilin ng buwis ayon sa BIR?

Naging mainit ang usapin sa linggong ito ang tungkol sa paglalagay ng buwis sa mga Social Media Influencers at Vloggers na kumikita ng 200, 000 a year. 



May mga influencers na tanggap ang sinabi ng Beaureu of Internal Revenue na bubuwisan na sila pero karamihan ay umaalma at hindi tanggap ang desisyon ng BIR. Nagdemand pa ang ilan na kailangan daw muna ayusin ng gobyerno sistema at alisin ang mga kurakot na opisyal bago sila magbayad ng buwis. 

Samantala senegundahan ng mga netizens ang desisyon na ito ng BIR at sinabing dapat lang daw na buwisan ang mga vloggers at influencers sa laki ng mga kinikita nito. 

Habang pinag uusapan ang tungkol dito natanong ng isang reporter kung dapat bang buwisan ang mga foreign vloggers na ang Audience ay karamihan sa Pilipinas galing? 

Ayon sa isang attorney na si Gaby Concepition, kung tutuusin daw ay dapat na buwisan din sila dahil ang major ng kanilang manonood ay galing sa Pilipinas. Pero dipende raw sa BIR kung paano nito maipapatupad ang kanilang panukalang buwisan ang mga influencers. 

Kung halimbawa ay dapat bang buwisan si Nas Daily na alam naman ng lahat sobra sobra ang naging pakinabang sa pag angat nito dahil sa mga Filipino? 

Nas Daily, Dapat singilin ng buwis ayon sa BIR? Nas Daily, Dapat singilin ng buwis ayon sa BIR? Reviewed by Jaquin Reyes on August 23, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD