Maine Mendoza, papasok na rin sa politika?

 Nagulat ang sambayanan sa isyung ito na sasabak na rin ang Phenomenonal Star na si Maine Mendoza sa buhay politika. Marami ang tanggap ito, ngunit ang iba naman ay nag komento na wag ng dungisin ni Menggay ang kanyang pangalan dahil panigurado daw na kapag nag politika ito ay papangit ang kanyang imahe bilang showbiz personality.



Samantala sa launching ng kanyang bagong endorsement ngayon na GigaLife App ng Smart & TNT.

Sinabi ni Menggay na malaking bahagi ng kanyang karera ay utang niya sa digital technology. Matatandaan na unang sumikat si Maine sa kanyang mga dub kay Kris Aquino s silat na sikat na Lipsyncing App noon na Dubsmash.

Samantala natanong siya tungkol sa isyung pag pasok niya sa politika, tugon niya hindi raw siya ang magiging kandidato sa susunod na eleksyon kundi ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde na sasabak na din sa politika.

Kung matutuloy man ito ay paniguradong tutulung si Menggay sa kampanya ng boyfriend na ayon sa aming source na tatakbo raw bilang Congresista sa District 1 na Lungsod ng Quezon City.

Maine Mendoza, papasok na rin sa politika? Maine Mendoza, papasok na rin sa politika? Reviewed by Jaquin Reyes on July 27, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD