Herlene Budol, Emosyonal matapos mabili ang pangarap na House & Lot.

 Hindi naitago ni Binibining Pilipinas First Runner Up na si Herlene Budol ang pagiging emosyonal matapos niyang maipakita sa mga taga suporta niya ang kanyang pangarap na House & Lot. 



Isiniwala din niya sa kanyang vlog ang dahilan kung bakit siya sumali sa Binibining Pilipinas. Inofferan daw siya ng kanyang manager na si Mr. Wilbert Tolentino na bibilhan siya nito ng house & lot kung sasali siya sa nasabing patimpalak ng pagandahan.







Noon una raw ay tila naga alangan pang sumali ang dalaga at baka mapahiya niya lamang ang kanyang manager dahil hindi raw siya pa girl na tao. Pero ito raw ang pinaka malaking dahilan na sumali siya na para mabigyan nya ng masaganang buhay ang kanyang lolo at lola.

Sa kasamaang palad hindi na makikita ng kanyang lola ang bahay dahil pumabaw na ito. Bago pa man ang coronation night ng Binibining Pilipinas.

“Kahit anong trabaho ko, kahit sampung tapn pako magtatrabaho. Makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon, eh iniisip ko yung lolo’t lola ko na 84 na ar 81 na hindi na mahaba yung buhay nila. Gusto ko na maranasan nila na tumira sa maayos, pero hindi na naabutan ni Nanay wala na siya. At ngayong araw na to ngayon na bibilhin ni Sir Wilbert yung bahay.” mangiyak-iyak na saad ni Hipon.


Herlene Budol, Emosyonal matapos mabili ang pangarap na House & Lot. Herlene Budol, Emosyonal matapos mabili ang pangarap na House & Lot. Reviewed by Jaquin Reyes on August 04, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD