Pulis, nahuli ang misis niya na katabi sa kama ang kalaguyo raw nito na pulis din?

 At dahil February ngayon at buwan ng mga puso. Uso ngayon ang mga date at surprised thingy para sa mga mag-asawa at magjojowa. Pero tila naging gone wrong ang ginawang pagsopresang ng isang pulis para sa kanyang misis. 


Tila si Mister kasi ang nagulat sa nasaksihan. Sounds funny pero sa part na ito, masakit ito kay Kuyang Pulis. 

Samantala narito ang kwento. 

Balak sana ng isang pulis na sorpresahin ang kaniyang misis sa Valentine's Day kaya umuwi siya ng bahay sa Davao del Norte. Pero siya ang nasorpresa nang makita niyang may ibang lalaki na katabi sa kama ang kaniyang kabiyak--at ang lalaki, pulis din.

Sa ulat ni RGil Relator sa GMA Regional TV News nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Alejal sa Carmen, Davao del Norte.

Naaktuhan umano ng 34-anyos na mister na pulis ang kaniyang 29-anyos na misis na katabi sa kanilang kama ang sinasabing kalaguyo nitong pulis na 28-anyos.Kaagad na tumawag ng pulis ang mister para ipaaresto ang dalawa na nahaharap sa reklamong adultery. 





Pulis, nahuli ang misis niya na katabi sa kama ang kalaguyo raw nito na pulis din? Pulis, nahuli ang misis niya na katabi sa kama ang kalaguyo raw nito na pulis din? Reviewed by Jaquin Reyes on February 18, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD