Allan K, naging emosyonal sa segment ng Bawal Judgemental. BAKIT KAYA?

 Hindi naiwasan ni Dabarkads Allan K na maging emosyonal matapod marinig ang iba't-ibang kwento ng mga bisita kanina sa segment na "Bawal Judgemental" ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga.


May isa pang punto pa na habang kausap nina Jose Manalo at Wally Bayola ang mga bisita sa nasabing segment via video call. Bigla nalang naluha at naging emosyonal ang komedyante. 

Agad naman siyang napansin ng mga dabarkads at kinomfort ito. 

"Lan, bakit?" curious na tanong ni Jose

"Sinasabi ko rin kase yan sa mga kapatid ko eh. Yung mga kapatid kong nawala na. Kase nga diba hindi ko sila nakita hanggang sa sinunog. Sabi ko hindi man tayo nag-usap-usap. Kausapin niyo naman ako kahit sa panaginip lang." Tugon ni Allank K. sabay hagulgol nito. 




Nakarelate ang komedyante sa mga namatayan sa sakit na COVID-19. Na ni hindi man lang nasilayan ng mga mahal nila sa buhay bago ma cremate at maging abo.

Samantala narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens.

"Relate po ako nyan 36 nmatay aswa ko ung pangalawang baby nmin hnd nia nkita un.pro nplki ko Ng maayos.naiyk ako KC ganyan na ganyan ung idad Ng aswa ko nmatay pro bangongot nman kinamatay Ng aswa ko."

-Bing Bautro

"Iyak ako kaninang napanood ko Yan. Ramdam ko Yung pain Ng nawalan Ng Mahal SA buhay SA gitna Ng pandemya"

-Maricel Morales

"Sobrang sakit mawalan ng mga mahal sa buhay,pag may kinukuha c Lord sa amin pray lang panlaban ko..cnasabi ko sa Panginoon na yakapin ako ng mahigpit upang maramdaman ko ang presence nya nang sa gayon maibsan ang kalungkutan ko."

-May Francisco

Allan K, naging emosyonal sa segment ng Bawal Judgemental. BAKIT KAYA? Allan K, naging emosyonal sa segment ng Bawal Judgemental. BAKIT KAYA? Reviewed by Jaquin Reyes on February 17, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD