Maine Mendoza, nais lumahok sa Miss Universe Philippines 2022?

 Isang malaking tea ang binitawan ni Dabarkads Mary Jean Lastimosa sa kanyang instagram account matapos ibahagi ang isang video clip na kasama si Maine Mendoza. Pero hindi ito isang normal lang na video. Naglalaman ito ng inner beauty queen soul ni Phenomenonal Star. 



Sa nasabing IG clip, ibinahagi ni Menggay na nais talaga niyang sumali sa Miss Universe Philippines. Pero sa ngayon daw ay maraming hadlang tulad ng kanyang pagpo focus sa kanyang career. Ngunit isa ang sinuguro ni Menggay, sa tamang panahon ay sasali daw talaga siya.






Sa ngayon ay nasa edad na dalawamput anim na si Maine, at ayon sa panuntunan ng Miss Universe, mula 18 to 28 years old lang ang maaring sumali sa kompestisyon.

Kung bibilangin or susumahin, baka next year or sa susunod na taon pa sasali si Menggay. Na excite tuloy ang mga taga hanga ng dalaga sa isiniwalat niyang ito. 

Maine Mendoza, nais lumahok sa Miss Universe Philippines 2022? Maine Mendoza, nais lumahok sa Miss Universe Philippines 2022? Reviewed by Jaquin Reyes on December 08, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD