AlDub, trending sa muling nagkasama sa Lazada Super Show!


 

Trending ang muling pagsasama ng Phenomenonal Loveteam na AlDub sa Lazada 11.11 Super Show. Kanina sa platform na twitter, makikita ang mga pangalan ni Alden Richards at Maine Mendoza na nasa trending list.


May larawan pa nga sina Alden Richards at Maine Mendoza habang naka gitna sa kanila ang mascot ng Lazada. 


Matagal na panahon na hindi nagkasama ang dalawa dahil na din sa mga busy schedules nila. Hindi na rin sila nakikitang magkasama sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga. 

Samantala narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng fans. 

“ KAYA MARAMING INGGIT SA ALDUB PERFECT COUPLE”

“ Sayang,sobrang bagay pa Naman ng aldub”

“Sana may production number kayo abangan ko yan.”

Samantala hindi naman nakita ng publiko na pinagsama ang dalawa na katulad noong mga panahon ng kasagsagan ng AlDub. Tila mga normal lang silang mga host na magka trabaho. Walang nakitang sweetness on screen at tila dumidistansya ang isat-isa. 


AlDub, trending sa muling nagkasama sa Lazada Super Show! AlDub, trending sa muling nagkasama sa Lazada Super Show! Reviewed by Jaquin Reyes on November 12, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD