Maja Salvador, papalitan si Maine Mendoza sa Eat Bulaga?

Marami ang nagulat sa mga netizens matapos mabalitaan na lilipat na sa GMA Network si Maja Salvador. At ang usap-usapan na sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga siya mamalagi bilang host. Magkakaroon din siya ng sarili niyang segment.

Ayon sa ulat may kinalaman sa sayawan ang segment na kabibilangan ni Maja Salvador. 

RUMOR | Maja Salvador, bagong Dabarkads na aabangan!? 

Magkakaroon ng bagong segment ang longest running noontime show na #EatBulaga at may kinalaman ito sa sayawan. Meron silang bagong makakasama pa rito, at ayon pa nga kay Ryan Agoncillo, isa itong MA-husay na aktres at MA-husay sa sayawan! May diin ang pagkakabigkas ng MA na tila tinutukoy kay Maja! Sa isang teaser naman na inilabas ng 'Eat Bulaga' para sa bago nilang segment, may tagline itong "Maximum Sayawan" na naka-highlight ang M at S na initials ng pangalan ni Maja!




Wala pang official na announcement ang 'Eat Bulaga' tungkol dito. Abangan na lang natin mga Kapuso!

Samantala narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans. 

“I don’t care if lilipat sya sa ibang istasyon. MAJA is MAJA kahit GMA payan manonood parin ako sa kanya.”

“ nag post palang c Maja Salvador sa IG nya na exited sya sa pag pasok Ni papa p sa kanyang pinag bibidahan na Nina nino NG abs Kaya at ikinatuwa pa Ito NG actress dahil matagal na pala Ito pangarap NG actress na makatambal hmmmm Kaya paano  magiging kapuso mahilig din to sa fake news”


“hindi nmn under ng gma mga nasa eb nkikiere lng nmn ang palabas d2”

Hindi pa kino kompirma ng Eat Bulaga ang nasabing paglipat ni Maja at hindi rin daw umano totoo na papalitan or tatanggalin na si Menggay sa Eat Bulaga.
Maja Salvador, papalitan si Maine Mendoza sa Eat Bulaga? Maja Salvador, papalitan si Maine Mendoza sa Eat Bulaga? Reviewed by Jaquin Reyes on September 27, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD