Betong, Naluha matapos pakyawin ni Alden Richards ang kanyang paninda.

 Hindi napigilan ni Betong Sumaya na mapaluha matapos makitang nagkomento si Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang Online Selling. 



Busy noon ang komedyante na nagla livestream upang ibenta ang kanyang mga produkto. Ngunit isang pamilyar na pangalan ang bigla nalang lumitaw sa comment section. 


RJ Richards, “Magkano lahat ng ibebenta mo diyan bets?”

Noong una ay hindi makapaniwala si Betong dahil baka mamaya ay poser account ito na ginagamit lang ang pangalan ng sikat na aktor. 

Maya-maya pa ay muli itong magkomento, 



RJ Richards, “Bigyan moko 40K worth.”

Nang makita ito ni Betong ay gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Halos maiyak pa ito sa tuwa dahil halos pakyawin na ni Tisoy ang kanyang mga paninda. 

Maluha-luha si Betong at sobrang tuwa ng bigla na namang nagkomento si Alden Richards.


RJ Richards, “50K na para sa luha mo”

Lalong bumuhos ang luha ni Betong at sobra sobra ang pasasalamat nito kay Tisoy. 

Grabe iba talaga si Alden Richards, kaya lalong pinagpapala napaka bait at maka-Diyos pa. 

Betong, Naluha matapos pakyawin ni Alden Richards ang kanyang paninda. Betong, Naluha matapos pakyawin ni Alden Richards ang kanyang paninda. Reviewed by Jaquin Reyes on September 28, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD