Lolit Solis, May napansin sa pagganap ni Alden Richards sa The World Between Us.

Nagsimula na nga ang pinaka inaabangang serye ni Pambansang Bae Alden Richards na ipapalabas sa GMA Telebabad. Ang "The World Between Us" kung saan makakasama niya rito sina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis-Smith.




Pero may napansin ang beteranang kolumnista ng mga pahawayag na si Manay Lolit Solis sa naging pag ganap ni Alden sa nasabing show. Ano kaya ito?

Isa sa mga tumutok sa Pilot Episode ng TWBU si Lolit at pinuri nito  ang Asia's Multimedia Star, dahil sa ibang iba raw ang look niya dito kumpara sa kanyang mga past projects.

Dagdag pa niya maganda raw ang look ng serye na very glossy. Na kapag pinapanood mo ito ay mararamdaman mo ba parang nanonood ka ng Kdrama.

Sambit pa niya kay Alden, "Mukha ngang pinaghandaan niyang mabuti ang seryeng ito dahil iba ang atake na ginawa niya pati sa pagbato ng dialogue."

"Tiyak na magugustuhan ng mga fans niya ang bagong Alden Richards na napanood nila sa The World Between Us."

Dagdag pa ni Manay, 

"Iyon ang maganda sa isang artista, iyong ibaba ang character, iba iba ang atake sa bawat role niya at nagbabago bago ng looks.

No wonder na may staying power si Alden Richards, dahil alam niya how to give color to the characters na ginagampanan niya. Better watch the The World Between Us. Makikita niyo ang pagbabagong sinasabi ko  Alden. Congrats sa team."

Lolit Solis, May napansin sa pagganap ni Alden Richards sa The World Between Us. Lolit Solis, May napansin sa pagganap ni Alden Richards sa The World Between Us. Reviewed by Jaquin Reyes on July 06, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD