"AlDub Nation hindi naman importante." -Sylvia Sanchez

 Pumalag si Sylvia Sanchez sa mga pumupuna sa kanyang pamilya. Lalong lalo na ang kanyang anak na may relasyon kay Phenomenonal Star Maine Mendoza. Hanggang sa ngayon kasi ay pinuputakti parin siya ng batikos mula sa fandom na AlDub Nation na tutol sa pag iibigan ng dalawa. (Alden Richards & Maine Mendoza)



Sa isang panayam ay tinanong siya tungkol sa estado ng pag-iibigan nina Arjo at Meng. Agad na pinangunahan ni Sylvia na, “Naku, nay mamaya pagkatapos ng interview na ito meron na naman magtatacle ibabash na naman ako.”

tugon naman ni Cristy Fermin,

“Bakit ka naman kailangan i-bash? Mapipigilan ba naten ang puso ng isang tao?”

Sagot naman ni Syvia, “Eh kasi ang palaging bash sa akin, ginagamit namin si Maine para daw sumikat kami.”

Para gumaan ang loob nito ay nagsalita si Cristy Fermin na “Unang-una hindi mo naman sinabi na itanong namin sayo si Arjo at Maine. Syempre bilang manunulat lalo na ako kolumnista ako. Natural gusto ko ng marinig kung gaano kaganda ang relasyon ng anak mo at si Maine.”

Sinagot naman ni Sylvia ang tanong aniya. 

“Okay silang dalawa, hindi lang sila mahilig mag post kung saan sila nagpupunta kase privacy ang mas importante sa kanila. Ano sila e hindi nila inilalabas ang mga ginagawa nila at kung saan sila nagpupunta. 

Kahit naman nung una nay, bihira din. Kaso pinost or let say nakita sila sa labas magkasama may nakakuha ng picture sa kanila may nagpopost tas gina grab agad ng mga fans nila andun ung positive at negative. Pero ung negative iba talaga e.”

Tugon naman ni Cristy, “Wag mo nalang pinapansin yun. Sa tagal mo na sa showbiz dapat nasanay kana”

Sagot ni Sylvia, “Hindi nay! Actually andami kong nabasa until now merong mga nambabash. Pero sabihin ko mas masaya buhay namin mas maayos kesa sa kanila. 

Hindi sila importante, Kahit gaano pa nila kami siraan at sina Arjo at Maine. Ang importante masaya sila at masaya kami. 


"AlDub Nation hindi naman importante." -Sylvia Sanchez "AlDub Nation hindi naman importante." -Sylvia Sanchez Reviewed by Jaquin Reyes on July 06, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD