Derek Ramsay nagsisisi na nakipaghiwalay siya kay Andrea Torres sa ‘Phone Call’

Matatandaan noong mga nakalipas na buwan ay naging usap-usapan nga ang paghihiwalay nina Derek Ramsay at Andrea Torres, naging mainit pa lalo ang usapin na ito dahil na link ang aktor sa dating kasintahan ni John Lloyd Cruz na si Ellen Adarna. Ngunit itinanggi naman ni Derek na walang third party sa paghihiwalay nila ni Andrea.



Sa naging interview ng veteran showbiz news anchor na si Cristy Fermin noong Martes sa One News PH, inamin ni Derek na nagsisisi siya na nakipaghiwalay siya kay Andrea Torres sa isang phone call.

Ayon kay Derek, “Yung sa amin ni Andrea… may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship, our views on this, sa problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, (are) not the same. Hindi ko na aatakihin ‘yon, hindi ko siya babaguhin. Hindi niya ako babaguhin.”

Narito ang mga katagang ng galing sa aktor, “I think that this is the end of this relationship because we cannot see eye-to-eye on this matter. I think, it’s just best na we just… Kumalas na tayo ngayon rather than lalaki pa, and then two, three years down the road, maghihiwalay tayo.” 

 “Babalikan natin ito kasi nga iba ang views natin sa problemang ‘yan, and it’s a waste of time and it’s a waste of effort, and masakit, di ba?” dagdag pa nito.

Inamin din ng aktor na labis ang kanyang pagsisisi na nangyari ang mga bagay na ito sa phone call.

Ayon kay Derek, “So, ako yung nakipagkalas… Ako ang nag-bring up and she agreed. Hindi (personal), sa phone po namin. ‘Yun lang yung… Siguro kung may regret ako is that it came up over the phone. So, actually dapat magkikita kami noon. Ang nangyari, it came up over the phone. Pero with no disrespect. Wala naman kaming…Hindi namin dinisrespect ang isa’t isa. She agreed to it also.”
Maging ang mga pamilya rin umano ng magkabilang panig ay naapektuhan sa nasabing pangyayari, kaya humingi rin umano ng despensa si Derek sa mga magulang ni Andrea. Maging ang Ina umano ni Derek ay nagmessage rin kay Andrea dahil sa nangyari. “We were all invested. Every Sunday, nagdi-dinner po ang both families dito sa bahay. And so, there’s no disrespect between me and Andrea and our families,” ayon kay Derek.

Sa kasalukuyan si Andrea ay nananatiling single. Si Derek Ramsay naman ay masaya sa kanyang bagong karelasyon na si Ellen Adarna.
Derek Ramsay nagsisisi na nakipaghiwalay siya kay Andrea Torres sa ‘Phone Call’ Derek Ramsay nagsisisi na nakipaghiwalay siya kay Andrea Torres sa ‘Phone Call’ Reviewed by Jaquin Reyes on May 25, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD