Alden Richards babagsak ang career sa 2023 -manghuhula

 Dahil patapos ang taong 2022 at nagsisimula nang maghanda ang mga tao para salubungin ang 2023. Hindi naiwasang magtanong ng mga news outlet sa mga manghuhula kung ano ang mga kaganapan na dapat abangan sa 2023. 



Isa sa mga hinulaan ay si Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Ang nasabing manghuhula ay si Mamu Gloria Escoto. Na binansagang “prophetic witch” ng Cabanatuan.

Sa YouTube Channel ni Romel Chika, natanong si Mamu kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap sa mga celebrities sa darating na taon.

Nanguna sa kanyang hula ay si Pambansang Bae Alden Richards. Na pinanganak noong January 2, 1992. Sinabi ni Mamu  Gloria na sa negosyo ay masuwerte ang aktor ngunit pababa ang career nito sa susunod na taon.

Nganga padin daw sa lovelife si Alden dahil mas magiging pokus ito sa pera.

“Sorry ha, sa lumalabas sa cards ni Alden, pwedeng mag-flop siya next year. Hindi niya lucky year next year. Lucky siya nitong nagdaang taon pero ito ang year na hindi para sa kanya. Sa negosyo naman okay siya pero sa showbiz mukhang pababa ang career niya. Sa lovelife wala akong nakikita.” ani Mamu

“Actually ano siya eh, more on pera (kaysa lovelife) Parang may kinatatakutan to bumalik sa dati (maghirap).” dagdag ni Mamu Gloria

Magugunitang naging isang malaking success ang prinodyus na EHeads Concert ni Alden Richards at ng kanyang kumpanyang Myriad Corporation na reunion concert ng Eraserheads.

Alden Richards babagsak ang career sa 2023 -manghuhula Alden Richards babagsak ang career sa 2023 -manghuhula Reviewed by Jaquin Reyes on December 28, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD