Suspek sa pananapak at pagpatay sa isang Fil-Am, Arestado!

Kamakailan ay nag viral ang isang video ng cctv sa Estados Unidos sa lalawigan ng Arizona kung saan isang matandang lalaki ang makikitang naglalakad ng biglang dumating ang isa pa at sinapak ang 74- anyos na si Juanito Falcon. 




Naaresto ang suspek sa tulong ng isang witness. Kinilala ang akusado na si Marcus Williams. Nangyari ang insidente noong February 16 bumagsak sa sahig ang biktima at nawasak ang bungo nito. Dalawang araw pang nag agaw-buhay si Falcon na kalaunan ay pumanaw rin.

Samantala, tinitignan ng mga awtoridad kung may pagkakaugnay ang nangyaring insidente sa mga nangyayaring hate crimes sa Estados Unidos. Nito kasing mga nakaraang linggo tumaas ang insidente ng pagdediscriminate at hate crime laban sa mga Asian-Americans.

Hindi pa malinaw kung bakit nagpapalaganap ang mga ito ng hate crime. Humingi na ng tulong ang Union ng mga Asian Americans sa mga awtoridad doon upang mapigilan ang mga nangyayaring hate crimes doon.
Suspek sa pananapak at pagpatay sa isang Fil-Am, Arestado! Suspek sa pananapak at pagpatay sa isang Fil-Am, Arestado! Reviewed by Jaquin Reyes on March 08, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD