Anim, Arestado matapos mag FB live sa mismong crater ng Taal Volcano!
Tiklo ang anim na vloggers matapos ang kanilang buwis buhay na pagpunta sa mismong crater ng Taal Volcano! Hindi pa malinaw kung bat ito nagawa ng mga ito.
Dahil sa kanilang ginawa ikinulong sila sa pag violate nila sa Republic Act 11038 or The National Integrated Protected Areas System and the Republic Act 11332 or the Mandatory Reporting of Notifiable Deseases and Health Events of Public Health Concerns Act.
Pero sa ginawa nilang ito isa lang ang malinaw. Nabigyang linaw nito ang mga sinasabi ng mga eksperto na totoong kumukulo na ang tubig sa crater lake at anumang oras ay nagba badya na itong sumabog. Sa katunayan nasa Alert Level 2 na ang Bulkang Taal.
Ibig sabihin nito bawal ng magpunta sa mismong volcano island. Hangga’t hindi pa ibinababa ng PHIVOLCS ang Alert Level nito sa “0”
Samantala narito ang ilan sa mga screenshots sa na nakuha namin mula sa FB live na ginawa ng mga akusado! Hindi na rin mahanap sa internet ang kanilang mga fb lives dahil baka pinabura na ito ng mga awtoridad.
Post a Comment