AlDub Endorsement, hamon sa ADN kung magagawa nilang i-sold out gaya noong kasagsagan ng AlDub Phenomenon?

 Masayang masaya ngayon ang AlDub Nation dahil nasurpresa sila sa panibagong Endorsement na ito ng kanilang idolo na Phenomenal Loveteam na AlDub. 




Matatandaan na noong nakaraan pa huling nagsama ang dalawa sa Toktok at Lazada. At pagkatapos nito ay hindi na nakitang magkasama ang dalawa. 

Miss na miss na kanilang mga taga-hanga sina Maine Mendoza at Alden Richards. 

Kaya naman napaka saya ng puso ng mga ADN ng makita ang panibagong ads ng Vivo Philippines at ipinakilala ang pinaka bago nitong Ambassador. 

Walang iba kundi ang Asia's Multimedia Star Alden Richards. Kasama pa nito ang kanyang katambal na si Maine Mendoza na kinabaliwan ang kanilang tambalan noon.








Habang tinitignan ang mga larawan ng dalawa walang mapagsidlan ng tuwa ang aming mga puso. Bagay na bagay talaga sila. 



Samantala isang hamon sa ADN kung karapat dapat ba na pinagbigyan sila sa kanilang hiling na pagsamahin ang dalawa. Kilala ang ADN sa pag sold out ng mga produktong ineendorso nina Maine at Alden. Magawa kaya nilang muli ito? 

AlDub Endorsement, hamon sa ADN kung magagawa nilang i-sold out gaya noong kasagsagan ng AlDub Phenomenon? AlDub Endorsement, hamon sa ADN kung magagawa nilang i-sold out  gaya noong kasagsagan ng AlDub Phenomenon? Reviewed by Jaquin Reyes on February 11, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD