Kakai Bautista, binalaan na kakasuhan ng Talent Agency ni Mario Maurer kapag pinilit nito na close sila ng aktor.

 Kakatanggap lang ng balita ukol sa demand letter na inilabas ng talent agency na may hawak sa Thai Superstar na si Mario Maurer.



Inakusahan si Kakai na pinagkakalat umano nito na close sila ng Thai Actor kahit hindi naman daw talaga. Ipinatitigil din siya na banggitin ang pangalan ng actor at inakusahan pang ginagamit ni Kakai si Mario Maurer.

Kapag hindi daw tumigil si Kakai ay mapipilitan daw silang maghain ng reklamo. 

Ayon sa Agency ni Mario Maurer, nalalagay umano sa alanganin ang career ng Thai Actor dahil sa patuloy na pag banggit nito na close sila at tila may namagitan sa kanila.

Matatandaan na nagka trabaho sina Mario Maurer at Kakai Bautista sa pelikulang ipinroduce ng Star Cinema na “Suddenly it’s Magic” kung saan nakapareha ni Mario si Erich Gonzales.

Samantala, wala pang tugon dito ang komedyanteng si Kakai Bautista.



Kakai Bautista, binalaan na kakasuhan ng Talent Agency ni Mario Maurer kapag pinilit nito na close sila ng aktor. Kakai Bautista, binalaan na kakasuhan ng Talent Agency ni Mario Maurer kapag pinilit nito na close sila ng aktor. Reviewed by Jaquin Reyes on March 25, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD