Vice Ganda, nagbalik-tanaw noong kasagsagan ng AlDub.

 Big topic ngayon sa social media ang mga nating pahayag ni Unkabogable Vice Ganda. Matapos nitong banggitin ang AlDub. At nagbalik tanaw kung anu-ano ang mga nangyari noon.

Sa nasabing tanong, 

"ano ang plot twist na ayaw mong mangyari sa buhay mo?"

Ganito ang isinagot ni Vice Ganda, 




"Ang ayaw kong maging plot twist, yung sasabihing last day na ng showtime. Haha, teka lang naman. For me, No hindi ko talaga keri yon. Hindi kekerihin, hindi ko alam kung paano ko yun idi-deal with. Yung sasabihin na ganon.




Kasi nangyari na to sa amin dati e. Yung ako talaga hinanda ko na ung sarili ko. Feeling ko talaga tatanggalin kami. Noong panahon ng AlDub, prangkahan nung panahon ng AlDub feeling ko wala ng nanonood ng showtime. Parang buong Pilipinas nakatutok sa AlDub. Parang ang laking kasalanan pag fan ka ng Showtime. 

Ang laking kasalanan pag nanonood ka ng Showtime, parang naga away-away yung mga tao sa social media  na parang hindi ka dapat nanonood ng showtime dapat nakatutok lang tayo sa AlDub. 

Tas ang baba baba na ng ratings ng Showtime. Tas ako laban na laban pa din ako . Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako tinanggap ko na feeing ko anytime soon tatawagan ako ng management  tas sasabihin we are cancelling the show.

Tanggap ko yun tapos hindi nangyari, hindi ginawa ng ABSCBN, hindi ako nilaglag, hindi nilaglag yung show. Kaya sabi ko talaga, yun ung pinanghahawakan ko magkamatayan na hindi ko iiwanan tong ABSCBN ngayon. Kase nung nangyari to sa buhay ko hindi ako iniwanan ng network."

Panoorin ang mga kabuuang video sa ulat na ito.











Vice Ganda, nagbalik-tanaw noong kasagsagan ng AlDub. Vice Ganda, nagbalik-tanaw noong kasagsagan ng AlDub. Reviewed by Jaquin Reyes on January 21, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD