Eat Bulaga, Tahimik lang sa issue na pinagdadaanan ng AlDub.

Makalipas ang ilang linggo matapos ilabas ang kontrobersyal na panayam ni Ogie Diaz kay Phenomenal Star Maine Mendoza. 



Tikom pa din ang bibig ng Eat Bulaga kaugnay ng isiniwalat ni Menggay tila naging delusyonal na ang mga tagahanga nila na AlDub Nation dahil pinipilit nilang mag asawa at may anak na sina Maine at Alden. Naapektuhan din ang reyalidad ng dalawa dahil dito. 

Sino man kase ang madikit sa kanila ay pinuputakti ng pambabash at pananakot mula sa fans. Ilang beses nang nanindigan ang AlDub na Loveteam lang sila.

Malaking tulong sana kung magsasalita ang pamunuan ng Eat Bulaga upang linawin na walang katotohanan ang mga ipinakita sa kalyeserye noon upang tigilan na ng ilan ang pagpupumilit na totoo ang aldub. 

Pinaka apektado rito ay ang mga senior citizens na madaling mapaniwala mula sa mga mapanlinlang na mga vloggers. 


Eat Bulaga, Tahimik lang sa issue na pinagdadaanan ng AlDub. Eat Bulaga, Tahimik lang sa issue na pinagdadaanan ng AlDub. Reviewed by Jaquin Reyes on November 13, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD