Hipon Girl, Bet na bet si Alden Richards maging leading man?

Herlene Budol tungkol kay Alden Richards: "Bet ko nga talaga siya." 



Tila hindi pa rin nagbabago ang pagkahumaling ni Herlene Budol kay Asia's Multimedia Star Alden Richards. 

 Sa media conference ng bagong produktong ini-endorso niya, ang Rejuviant body wash and lotion, muling inihayag ng beauty queen-actress na si Herlene na "ultimate crush" niya ang Star-Up PH lead actor na si Alden. Bilang patunay, ibinahagi pa ni Herlene na nagka-cutting pa siya noon para lang mapanood si Alden!

 “Sana gusto rin ako. Si Alden nga kasi nga bet ko nga talaga siya," aniya. "Nagka-cutting talaga ako, yung sa ano, yung Yaya Dub na 'yon saka siya. Nung 'di pa sila nagkikita. Ay! Hindi ako papasok, magkikita na raw sila. Pagdating sa T, 'di pala magkikita, hinaharangan, so si Alden Richards ang bet ko.” sabi niya.
Hipon Girl, Bet na bet si Alden Richards maging leading man? Hipon Girl, Bet na bet si Alden Richards maging leading man? Reviewed by Jaquin Reyes on September 09, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD