Lolit Solis, Tinawag na gurang si Bea Alonzo.

Hindi pa rin tumitigil si Manay Lolit Solis kanyang mga patutsada kay Newest Kapuso Star Bea Alonzo. Nag ugat ang pag init ng ulo ni Manay kay Bea simula noong pinatanggal siya sa listahan ng mga inbitadong press sa isang Press Conference.



Sa panibagong Instagram post ni Lolit Solis muli nyang tinita si Bea, narito ang kanyang mga sinabi. 

“Tutoo yon sinabi ni Cristy, Salve. Talaga naman sa edad na 34 alagang alaga ni Bea Alonzo ang kanyang mukha at katawan. Kaya nga hindi mapansin gaano mga peleges at laylay sa braso dahil ingat na ingat siya. At sa dami ng mga ptoducts na inilalagay para maalis ang wrinkles sa mukha, dapat lang talaga na magmukhang bata siya kahit pa nga malapit ng maging senior star. Imagine mo naman na si Alden Richard ang partner niya sa mga ginagawa niyang trabaho, dapat talaga huwag siyang mag mukhang Tita Bea ni Alden noh! Saka ang husay naman ng glam team ni Bea na imagine mo 2 oras late sa presscon niya dahil siguro nga, talagang pinaghirapan mabuti na ayusin ng glam team, mula face hanggang legs, todo make up talaga. Alagaan talaga ni Bea Alonzo ang face at katawan, iyan ang investment niya para may power siya a mag cancel ng invited guests sa launching ng product na endorse niya na sana ay binili sa market ng mga followers niya para naman kumita sana ang business ng kumuha model sa kanya. Bea Alonzo is Bea Alonzo, bonggang bongga di bah! #classiclolita”

Anong masasabi mo sa pinagsasabi ni Lolit kay Bea Alonzo? 

Lolit Solis, Tinawag na gurang si Bea Alonzo. Lolit Solis, Tinawag na gurang si Bea Alonzo. Reviewed by Jaquin Reyes on April 02, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD