Toni Gonzaga, nagbitiw na bilang main host ng PBB.
Palaisipan ngayon sa marami ang nangyaring pag alis ni Toni Gonzaga sa Reality Show na Pinoy Big Brother. Matatandaan na kahapon nag trending ang sikat na aktress at host sa social media. Matapos nitong pangunahan ang proclamation rally ng nangunguna ngayong kanditato para sa pagka pangulo na si Bongbong Marcos.
Nag viral si Toni at inulan nang batikos sa social media platforms lalo na sa Twitter umabot pa ito worldwide. Binabatikos siya dahil sa pagsuporta diumano niya sa isang anak ng diktador. Hindi lang ito ang big deal sa mga kapamilya.
Nainis din ang Kapamilya Netizens dahil si Toni pa ang nag introduce sa mga kilalang politiko na nagpatumba sa prangkisa ng ABSCBN gaya ni Marcoleta. At ang isang matinding kritiko ng ABSCBN at kilalang Marcos Loyalist na si Larry Gadon.
Para sa mga Kapamilya ay pagyurak umano ito sa kanyang mother network na matagal siyang namalagi at nagpasikat sa kanya.
Samantala, pinagtanggol naman siya ng kanyang mga taga hanga at maging ang mga taga suporta ni BBM-Sara Tandem ay nasa likod niya.
Narito ang naging pahayag ni Toni, sa kanyang paglisan bilang main host ng nasabing sikat na palabas sa Dos.
“IT HAS BEEN MY GREATEST HONOR TO HOST PBB FOR 16 YEARS. From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya! Today, I'm stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy. It has been my privilege to greet you all with
"Hello Philippines" and "Hello World" for the last 16 years. I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart. Thank you Kuya for everything. This is your angel, now signing off….”
Inilabas ni Gonzaga ang kanyang statement sa kanyang instagram account.
Samantala narito ang ilan sa mga naging reaksyon ng mga netizens.
“Kapamilya ako. I dont take sides. Nakikinig ako sa mga bawat kampo specially sa mga positive na sinasabi nila tungkol sa gusto nilang Presidente. Sympre need ntin magbasa pra may kaalaman tyo if sino ba dapat iboboto natin. Pero please, be wise sa words na gagamitin towards other people. Hndi man kayo pareho ng Presidente, wag tyo bumaba sa level na nananapak na tyo ng tao gamit ang salita ntin. At the end of the day, we are Filipinos, we must be one. Sino man maupong Presidente, need pa rin natin magtulungan. Stop the hate.”
“Buti naman may hiya pa siyang natitira sa sarili nya.”
“Ang daming bitter na supporter ni lugaw.. nakuha na nila ang utak ni lugaw...hahaha gusto kasi nila sakanila papanig lahat ng artista... daming artista nkasuporta kay leni pero laos lahat kay toni...hahahhaahahahahahaha”
Ano ang reaksyon mo sa balitang ito?
Post a Comment