Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, ‘wag kakahol?

Bumwelta ang “It’s Showtime” Miss Q&A 2018 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia sa mga netizens na na-trigger sa parody version niya ng viral campaign video ni Angelica Panganiban mula sa Young Public Servants.



 Paggising raw kasi niya ay napakaraming hate messages ang kanyang natanggap mula sa mga taga-suporta ng mga tumatakbo sa pagkapresidente. 

“Pag gising ko today may galit na Leni supporters, BBM supporters, Isko supporters, Lacson supporters, Pacman supporters. Bakit po galit?“Litong lito ba kayo para kanino ‘yung video? Wala namang pangalan ‘di ba? Akala ko ba basta walang pangalan wag kakahol?”

saad ni Juliana.




Aniya, wala naman siyang pinapatamaant kandidato at lahat naman daw ng mga ito ay “nagbabait-baitan” lamang. Hindi lang daw ang mga tumatakbo sa pagkapresidente bagkus maging sa mga lokal na posisyon ay ganoon rin.

“Masyado pang maaga para pumili. Kalma lang. Ako nga wala pa rin napipili e. At aminin n’yo man o hindi, lahat ng kandidato sa eleksyon mula sa pagkapangulo hanggang sa brgy. kagawad, lahat yan bait-baitan pag eleksyon, mga maawain, kunyari nagmamalasaki, mga pa-victim, pero kapag nakapwesto na?Ay, ewan ko na lang kung kilala ka pa. Kaya ‘yung video para ‘yun sa lahat. Kaya wag muna mainis, mahal ang patis,” 

dagdag pa ni Juliana.

May pahabol pa nga ang komedyante ba gagawa pa raw sila ng isa pang video at papangalanan na nil kung sino ang pinatutungkulan nila ngunit pag-iisipan pa raw kung sino ito.Marami naman sa mga netizens ang umalma sa kanyang post sabay pakita ng resibo ng kanyang post noong October 8, 2021 kung saan nagpakita siya ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.

Marami naman sa mga netizens ang umalma sa kanyang post sabay pakita ng resibo ng kanyang post noong October 8, 2021 kung saan nagpakita siya ng pagsuporta kay Vice President Leni Robredo.

“So nakiuso ka lang nung #WearPink para maging relevant ka?” matapang na comment ng isang netizen.

May ilang netizens pa ang nagsasabi na “it’s all about the money” at “clout chasing” lamang.

Sinagot naman ni Juliana ang isyu patungkol sa kanyang post noong Oktubre.

“May batas ba [na] nagsasabi ba bawal magbago ng isip pag may napili na.. Anong article? Ano ba tawag dun, “touch move”? Teka hanapin ko ah,” sey ni Juliana.













Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, ‘wag kakahol? Juliana Parizcova Segovia bumwelta sa netizens: Akala ko ba basta walang pangalan, ‘wag kakahol? Reviewed by Jaquin Reyes on February 07, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD