AlDub, nakasalalay ang susunod na proyekto sa tindi ng suporta ng ADN.

 Sa pagpasok ng taong 2022 ay tila muling ibinabalik na ang pinaghiwalay na tambalan noon na AlDub Loveteam. 



Kasagsagan noon ng kasikatan at kaingayan ng tambalang nabuo sa Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga ng biglang nagdesisyon na paghiwalayin sila at tumahak ng magkaibang landas sa showbiz. 

Gumawa ng ibat ibang mga teleserye si Alden Richards sa Kapuso Network, samantalang si Menggay naman ay nag stick sa Comedy Show at Hosting sa Eat Bulaga.

Matagal na ding nirerequeat ng AlDub Nation na muling ibalik ang kanilang tambalan. At ngayong taon nga ay tila dininig na ang kanilang panalangin.

Kamakailan ay kinuhang endorser si Alden Richards ng isang sikat na brand ng smart phone. Matagal ng ambassador dito si Menggay.





Simula ng i launch ang campaign ay hindi na natapos na pinag usapan ang AlDub. 

Dito din nakasalalay kung solid padin ang suporta ng ADN sa mga brand na pino promote ng dalawa. Matatandaan na noon ay bawat i endorsong produkto ng AlDub ay palaging sold out ang mga ito. 

Mangyari kayang muli ito? 

AlDub, nakasalalay ang susunod na proyekto sa tindi ng suporta ng ADN. AlDub, nakasalalay ang susunod na proyekto sa tindi ng suporta ng ADN. Reviewed by Jaquin Reyes on February 14, 2022 Rating: 5

No comments

Post AD