Batang Pinoy na palaboy noon, isa na ngayong matagumpay na Scientist sa Amerika
Karamihan sa mga tao ay nais ang masagana at magandang pamumuhay. Marami ang nagsusumikap para yumaman, kung kaya naman marami ang naiisip na negosyo, gimik o diskarte para lang maka survive sa realidad ng buhay.
May iilan na sinasakripisyo ang pangungulila sa ibang bansa. Para lamang mabigyan ng magandang buhay mga kaanak nilang nasa Pilipinas.
Ngunit ano nga ba ang sikreto tungko sa matagumpat na buhay?
Ating tunghayan ang isang kwento ng inspirasyon. Kwento ng isang batang palaboy noon, at isa ng syantipiko ngayon sa Amerika.
Si Fernando ang nagmula sa Project 8, Quezon City. Anim na taong gulang pa lamang siya ay inabandona na siya ng kaniyang mga magulang sa hindi malinaw na rason.
Hanggang sa ngayon ay hindi padin malinaw kay Fernando at sa kanyang mga kapatid kung ano ang rason nang pag iwan sa kanila sa kalye at hinayaang magpalaboy laboy noon.
Matagal silang nagpalaboy-laboy sa kalsada hanggang sa may mag magandang loob at dinala sila sa bahay ampunan. Ang inakala ni Fernando ay magiging maganda na ang buhay nila roon. Ngunit isa palang bangungot na babago ito sa kanilang buhay.
Isang araw, naisip ni Fernando na umalis na lamang sa bahay ampunan at iniwan ang mga kapatid. Hindi na kase niya matiis ang mga pang aapi na ginagawa sa kanila roon.
Makalipas ang ilang buwan, nabalitaan ni Fernando na may mga umampon sa kanyang mga kapatid at dinala ang mga ito sa Amerika.
“So, they were gonna be adopted, just the two of them, and then one kid ran away from the orphanage looked for me, he said: Your brothers [are] gonna go and get adopted, so better go back, so I went back… I’m not stupd, right? I came back,” ayon kay Fernando.
Post a Comment