Alden at Louise, Awkward kanina sa Bawal Judgemental?

Nabulaga ang mga masugid na tagasuporta ng Longest Running Noontime Show na Eat Bulaga at mga ADN members ng ipakilala mismo ni Pambansang Bae Alden Richards ang Judger for today.

Ito ay walang iba kundi ang dating ka-loveteam ni Asia's Multimedia Star Alden Richards. Walang iba kundi si Louise Delos Reyes sa uri ng pag uusap ng dalawa at pagtatanong ni Alden ay tila hindi ito komportable gayong nasa tabi nya ang misis nito na Maine Mendoza.

Nakakamanghang isipin na nakaharap ni Alden Richards ang dalawang babae na may malaking ambag sa career nito. Si Louise na nakasama nito noong nagsisimula palang ito sa showbiz at ang babaeng nagpa-angat pa lalo ng career nito na si Maine Mendoza bunga ng AlDub Loveteam.

Maging si Bosing ay hindi naiwasang paringgan ang dalawa ng tanungin si Louise kung ano ang business nito agad na tanong na bungad ni Bosing ay..

"Sa Sta Rosa Laguna ba nagdedeliver kayo?"
"Okaya sa Bulacan."

Dagdag pa nito. Agad naman itong na gets ng mga netizens na tila patama ito na may kaugnayan kina Alden at Maine.

Makikita din sa mukha ni Louise ang pagka awkward at walang dali-dali ay sumagot ito ng...

"Opo naman, pwedeng pwede po Bosing."



Panoorin ang buong episode ng bawal judgemental sa video na ito sa ibaba.


Alden at Louise, Awkward kanina sa Bawal Judgemental? Alden at Louise, Awkward kanina sa Bawal Judgemental? Reviewed by Jaquin Reyes on November 01, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD