Isang Ama mas Piniling Mamalimos Dahil sa Pinabayaan umano siya ng kanyang mga Anak.
Emosyonal din niyang inamin na mas gugustuhin na lamang niyang mag-isa kaysa pumisan sa isa sa mga anak dahil minsan na siyang nasaktan ng asawa nito. Kaya naman gumagawa na lamang siya ng paraan upang makakain at maitawid ang araw-araw.
Dati raw siyang mahusay na karpintero ngunit dahil sa malabo na ang kanyang paningin, hindi na siya makapaghanapbuhay. Dahil dito, nag-abot ng tulong ang vlogger kay Tatay Eddy upang masiguro lamang na may makakain ito sa mga susunod na araw.
Ipinangako rin ni Denso na sakaling mayroong magpaabot ng tulong sa matanda ay agad niyang ibibigay rito. Samantala, nilinaw din ng vlogger na wala siyang ibang intensyon sa video kundi ang matulungan ang matanda. Ang lahat din pati ng kanyang ibinahagi ay base sa kwento ni Tatay Eddy. Narito ang kabuuan ng video:
Mayroon ding nakararanas na abandunahin ng sariling pamilya kaya naman nagtitiis na lamang na mamuhay mag-isa.
Ang ilan naman, tulad nang naibahagi ng programa ng GMA, matagal nang hinahanap ang magulang ngunit mapalad namang nagkita kahit pa ilang dekada na ang lumipas. Gayunpaman, huwag nating kalilimutang kahit pa baliktarin natin ang mundo, iisa lamang ang ating mga magulang. Gaano pa man kahirap ang ating sitwasyon, mamutawi pa rin sana ang respeto, paggalang at pagmamalasakit sa kanila.
Isang Ama mas Piniling Mamalimos Dahil sa Pinabayaan umano siya ng kanyang mga Anak.
Reviewed by Jaquin Reyes
on
October 01, 2021
Rating:
Post a Comment