Alden Richards, isa sa mga “signs” na hinihingi ni Kuya Kim bago lumipat sa GMA Network!

 Isa na ngang malaking balita ang paglisan ng isa sa mga haligi ng Kapamilya News & Current Affairs at Kapamilya Entertainment na Kuya Kim. Nilisan na ni Kuya Kin ang kanyang home network at lumipat na sa Kapuso Network para sa panibagong journey ng kanyang karera sa pagbabalita at showbiz. 



Sa isang interview isiniwalat ni Kuya Kim na wala talaga siyang balak lumipat noon. Ngunit ng mabigyan siya ng offer ng mga GMA Executives ay nagdalawang isip ito. 

Humingi siya ng advice sa kanyang mga malalapit na kaibigan at kapamilya. 

“I was asking them, ‘What will people think if I transfer? Is it okay to transfer, to consider other options? Those [friends] said, ‘Of course, people will understand’,” pahayag ng TV host.

At habang pinag uusapan nga raw nila ang posibleng pagkipat niya sa Estasyon ng Kapuso, ay isang kilalang personalidad ang lumapit at kumausap sa kanya. 

“While we were discussing my move to GMA-7, someone calls my name then I look. He was wearing a mask, he came from the gym upstairs. It was Alden Richards!
“Sabi nu’ng dalawang kasama ko, ‘Kim, ‘di ba sign ‘yon? Pinag-uusapan natin GMA and then bumaba si Alden.’ Sabi ko, ‘Oo nga’,” pagbabahagi ni Kuya Kim.

Kuwento pa ng bagong Kapuso host, ilang sandali lamang ang lumipas matapos silang magkita ni Alden, tumawag naman sa kaniya ang kaibigan niyang si Vice President for Corporate Affairs and Communications Angel Javier Cruz.

 Bukod pa rito, nakatanggap din siya ng surprise call mula kay GMA Films President Annette Gozon-Valdes. At dito na nga napagtanto ni Kuya Kim na mukhang pinalilipat na nga siya ng tadhana sa GMA.

 “All in that same day, kinikilabutan ako. Sabi ko, ‘Lord, yung signs na binigay mo, ang linaw!'” aniya pa.

 Maayos naman daw ang naging pamamaalam at pag-alis niya sa ABS-CBN. 

Aniya, “I was able to say goodbye properly. They took it well.” 

 Tatlong project aga ang ibinigay ng GMA management kay Kuya Kim. Nariyan ang 24 Oras at Mars Pa More sa GMA-7, at ang bagong programang Dapat Alam Mo sa GTV.
Alden Richards, isa sa mga “signs” na hinihingi ni Kuya Kim bago lumipat sa GMA Network! Alden Richards, isa sa mga “signs” na hinihingi ni Kuya Kim bago lumipat sa GMA Network! Reviewed by Jaquin Reyes on October 06, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD