Resulta ng Miss Universe hindi katanggap-tanggap?
Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag na "Cooking Show" ang prestohiyosong patimpalak ng kagandahan sa buong Uniberso. Hindi mai-aalis ang ganitong akusasyon dahil kitang kita naman na may ginawang pandaraya ang mga judge sa nasabing patimpalak.
Sa mga piniling maging selection committee ay karamihan sa mga ito ay galing sa Latin America o mas kilala bilang mga Latina/Latino. At isa lang ang napasama na taga-Asya.
Bago pa man nagsimula ang kompetisyon ay umugong nang latina umano ang ipapanalo ng mga hurado dahil limang taon na ang nakalilipas simula ng may manalong latina sa Miss Universe.
At hindi nga nagkamali ang mga fans. Dahil kitang kita na karamihan sa mga isinalivsa Top 5 ay galing sa Latin America. Isinama na lamang si India upang hindi umano ito halata. Napansin din ng mga eksperto na bakit biglang binago ang mga rounds at biglang tinanggal ang kudaan parts kubg saan magaling ang mga pambato ng asya.
Gaya nina Philippines, Singapore, Malaysia, Thailand at maging ang Australia ay nilaglag din nila.
Ang ikinadismaya pa ng mga netizens ang panget at hindi confident na sagot ni Mexico sa Q&A. Kumpara umano sa isinagotvni Peru na plakadong plakado ang sagot.
Dahil dito marami ang nagsasabi na hindi umano deserve ni Mexico ang korona. Ikaw ano ang masasabi mo sa naging resulta ng Miss Universe.
Post a Comment