Jam Magno, may mensahe sa mga nagdidiwang ng pagka-banned niya sa TikTok

 Binulaga ang buong Pilipinas sa balitang na permanently deleted na ang TikTok Account ng isa sa mga pinaka kina-iinisang tao sa mundo ng social media. Walang iba kundi ang DDS na si Jam Magno. 



Nakilala si Jam Magno sa mga patutsada nito sa mga kalaban sa politiko ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maging ang mga ordinaryong Pilipino na pumupuna o nagbibigay opinyon lamang sa ilang pamamalakad ng gobyerno ay kinakalaban nito. Tila hindi niya matanggap ang mga kritisismo laban sa kanyang amo. 

Bilang isang Pilipino ay karapatan ng bawat isa na punain ang isang bagay sa ating pamahalaan kung nakikita nating mali ito or may hindi magandang nangyayari. Bilang isang demokrasyang bansa, ay karapatan din nating magbigay opinyon sa mga nangyayari sa ating paligid. 

Katulad ng natatamasang karapatan ngayon ni Jam Magno ang panget lang sa kanya ay sobra sobra na ang mga lumalabas sa bibig nito.

Hindi na nakapag timpi ang mga Pilipino lalo na nang ganapin ang Miss Universe. Panay patutsada kasi ito sa kanyang mga social media laban kay Rabiya Mateo na pambato ng Pilipinas sa Miss Universe.

Habang naroon ang ating kandidata ay samut-saring pangda-downgrade ang mga sinasabi nito. Maging ang mga taga-iloilo ay naiinis na din sa kanya. May isa pang pagkakataon na gagawin siyang “Persona Non-Grata” sa probinsya ng Iloilo. 

Hindi ito binig deal ni Jam at sinabing 

“Maliit lang naman ang Iloilo, so wala akong pakialam pati sa Mayor niyo!”


Samantala, sa mga nadiriwang naman diyan, may mensahe para sa inyo si Jam Magno. 

“Let me remind you that being banned on Tiktok is NOT new to me and I came back from it before. I am still going to Live regardless and being declared PNG even more so. You have got to do better than that losers. Hahahaha. Pildi na Bugo pa.”





Jam Magno, may mensahe sa mga nagdidiwang ng pagka-banned niya sa TikTok Jam Magno, may mensahe sa mga nagdidiwang ng pagka-banned niya sa TikTok Reviewed by Jaquin Reyes on May 19, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD