Sikat na Aktor, namakyaw ng life-size toys worth 50K bawar isa!

 

Naging libangan ng isang yayamaning businessman ang isang MOBA (multiplayer online battle arena) game nitong panahon ng pandemya.




Dahil bongga pa rin ang negosyo niya, can afford siyang bumili ng life-size toys kaugnay sa game. Andaming toys na pagpipilian sa toy store sa isang sosyaling mall.

Pumili muna ang yayamaning businessman ng tatlo, na ang halaga ng bawat isa ay PHP50,000. Makalipas ang tatlong linggo, bumalik ang businessman sa toy store para madagdagan ang koleksiyon niya. 

 Na-shookt ang businessman dahil ubos na ang toys na gusto niya. Bang! Bang! Pinakyaw ang toys ng isang sikat na aktor na mahilig din sa online games.

 Napag-alaman ng source ng PEP Troika na hindi pa nakuntento ang sikat na aktor sa life-size toys na pinakyaw sa mall. Umorder pa ito ng karagdagang toys sa China. “Parang mga poon ang life-size toys na naka-display sa bahay ng sikat na aktor,” pagbubunyag ng source ng PEP Troika.

In fairness sa sikat na aktor, generous ito sa pagdo-donate sa mga less-fortunate people mula noon pa, bago lumaganap ang coronavirus. Palagi siyang nagse-share ng blessings sa kapwa.

Articles Source: Pep.PH
Sikat na Aktor, namakyaw ng life-size toys worth 50K bawar isa! Sikat na Aktor, namakyaw ng life-size toys worth 50K bawar isa! Reviewed by Jaquin Reyes on February 21, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD