Foreigner, iniwan ng asawa matapos ubusin ang lahat ng pera nito.

 Hindi napigilan ng mga Netizens ang magalit sa naging ulat sa isang blog kung saan isang Pinay umano na nakapangasawa ng foreigner mula sa bansang Denmark. Matapos kasi nitong pakasalan nag nasabing dayuhan ay basta balang nito iniwan ng maubos na nito ang pera nito.



Maraming dayuhan ang nabibighani sa ganda ng mga Pilipina. Hindi natin ito maipagkakaila dahil sa dami ng mga pinay na nakakapangasawa ng foreigner. May term panga na sumikat na tinatawag na "Exotic Beauty" pang exotic daw ang gandang Pilipina.

Ngunit tila marami din ang sinasamantala ang pagkakataong ito. Para makapang lamang at makapag gantyo! 

Tulad na lamang ng kwento ni Holger Solager mula sa bansang Denmark. 

Nagkaroon siya ng kasintahan at kalaunan ay naging asawa dito sa Pilipinas. Ayon sa kwento niya pinadalhan niya ito ng pera para makabili ng lupa at bahay. 

Kalaunan ay naging mag asawa sila subalit matapos silang ikasal at maubos ang mga savings nito. Iniwan siya nito ng parang walang nangyari. 






Narito ang post ng isang netizen na nakakita sa kanya na wala ng pera, gamit at hindi na rin makabalik sa kanyang bansang pinanggalingan. 

"Nanghihingi po kami ng tulong sa inyo nawa'y mapansin nyo ito. Ito po si Holger Solager, galing po siya sa bansang Denmark. Pumunta siya ng Pilipinas para pakasalan ang isang pinay. Isang taon na po siyang nagi stay dito . Sa kasamaang palad inubos po ng babae ang kanyang pera at iniwan.

May pinapagawa rin po siyang bahay ngunit kalaunan ay nalaman niyang hindi pala sa kanya nakapangalan ang bahay at lupa at pinalayas siya ng babae. Taga North Cotabato raw po ang tinutukoy niyang babae. Apat na araw na po siyang stranded sa airport dahil wala siyang pang swabtest at travel pass. Wala na rin po siyang natitirang pera kahit piso. 

Naiwan po siya ng flight niya pauwi ng Denmark. Sinubukan po niyang humingi ng tulong sa kanilang embassy ngunit imbes na tulungan ay pinalabas lang siya at hindi pinakinggan. Dahil dito napilitan si Holger na matulog sa kalsada. 

Basahin ang kabuuan ng post sa screenshot na ito. 



");

Post AD