Allan K, Taos-Puso ang pasasalamat sa AlDub Nation.

 Sa isang panayam sa telebisyon ni Dabarkads Allan K aa “Tonight with Arnold Clavio” ikininwento nito kung paano nagsimula ang tambalang AlDub.



Alam niyo ba na si Allan K ang naging promotor noon upang ma trigger ang feelings ni Yaya Dub na kinikilig ito kay Alden Richards noon ng makita niya ito sa split screen?

Ayon kay Allan K, napansin niya raw na may kakaiba dahil dapat daw ay masungit si Yaya Dub noon subalit ng makita nito si Pambansang Bae Alden Richards ay biglang nag mood swing ito at tila kinilig na agad naman nitong napansin.

Nagpasalamat si Allan sa mga sumusuporta sa kanilang programa dahil hangga ngayon raw ay tinatangkilik padin sila.

Ano naman ang isinagot ni Allan ng tanungin siya kung ano ang maging kahinatnan nag AlDub, mabilis itong sumagod ng,

“Gusto ko sila magkatuluyan talaga.” 


Gaya ng ibang mga ADN ay ganito din ang nais nila ang magkatuluyan sa totoong buhay ang dalawa. Hanggang da ngayon kase ay marami padin ang umaasa na magiging sila padin sa huli.




Allan K, Taos-Puso ang pasasalamat sa AlDub Nation. Allan K, Taos-Puso ang pasasalamat sa AlDub Nation. Reviewed by Jaquin Reyes on February 07, 2021 Rating: 5

No comments

Post AD