Maine Mendoza, Handa ng lumagay sa tahimik?

 Noong nakaraang linggo ay nagpahiwatig si Phenomenal Star Maine Mendoza na malapit ng matapos ang kanyang pinapagawang bahay. Ibig sabihin ba nito ay handa na siyang lumagay sa tahimik? 

Pero ayon kay Maine, nagpagawa siya ng bahay para hindi na siya palaging umuuwi sa Bulacan all the from Manila kapag may taping ito o trabaho.

Sa isang panayam, ikinwento ni Menggay kung paano ginagawa ngayon ang kanyang dream house. 

Inaasahan daw na bago matapos ang taon ay makakalipat na ito.

"So ngayon ang nilu-look forward ko nalang ngayon sa December hopefully is yung maka move in nako sa bahay na pinapagawa ko ngayon na hindi ko alam kung kailan magagawa."

"Hala, hindi yun alam ng mga tao Sir Nelson haha."

Saad naman ni Nelson Canlas,

"Bagong Bahay, bagong buhay!"

Ikinwento din ni Menggay na ang mga maliliit na desisyon ang mga nagpapasaya sa kanya ngayon.

"Tuwing namimili yung tatay ko mamili ng tiles tyaka ng mga appliances sinasamahan ko siya. Pero ayun sobrang chill ko lang ngayon. At ang gusto ko lang ngayon ay may matirhan na sarili kong bahay."



Maine Mendoza, Handa ng lumagay sa tahimik? Maine Mendoza, Handa ng lumagay sa tahimik? Reviewed by Jaquin Reyes on October 23, 2020 Rating: 5

2 comments

  1. William Hill Betting Locations | Mapyro
    Find William Hill https://febcasino.com/review/merit-casino/ sports betting locations novcasino in Maryland, goyangfc West Virginia, Indiana, Pennsylvania, South 출장샵 Dakota, West Virginia and https://septcasino.com/review/merit-casino/ more. BetRivers.com.

    ReplyDelete

Post AD